Thursday, August 14, 2014

Bedspacers: An Erotic Romance Series: Si Niko 11

WHENEVER expectation did not equate with reality, that’s where disappointment is coming from. Sa tatlong buwan na naging kami ni Cedric, kung tutuusin dapat manhid na ako sa ganitong pakiramdam. Iyong masaya ka for sometime then immediately you feel like a hollow space was dug inside your heart that would instantly make you feel restless and all your strengths and gained positivity is going down the drain.

Ilang beses ba akong umasa sa mga pangako ni Cedric na hindi natupad? Ilang gabi ba na inabot ako ng madaling araw sa labas ng bahay nila kahihintay ng hudyat niya para dumaan ako sa bintana ng kaniyang kwarto na hindi nangyari? Ilang daang lamok na ang nag-piyesta sa aking dugo at kaya pala hindi niya binuksan ng kalahati ang bintana niya na iyon ang cue sa akin dahil kasama pala niya ang girlfriend niya sa loob ng room na malalaman ko na lang after sometime sa naririnig kong kwentuhan ng mga kabarkada niya as I eavesdrop from a distance.

Ilang beses ba akong walang tigil na nag-aabang sa pag-ring ng telepono ko hoping that he will call me? Kasi hindi ko siya pwedeng tawagan. Hindi ko siya pwedeng i-text. Hindi ko siya pwedeng i-friend sa Facebook. Wala din ang number ko sa phone niya, minemorize lang niya at binubura din agad sa call logs pagkatapos niya akong tawagan. Hindi ko pwedeng kaibiganin o maging kakilala ang mga kaibigan niya. Hindi pwedeng magkaroon ng koneksiyon o malagyan ng trail ang pangalan ko sa kaniya.

Ang sagot: marami na. Kung ilang beses hindi ko na mabilang.

Now, looking back at those three horrible months of my life, with the help of Emma I was able to cope up. Nakapag-move on ako. Slowly the next several months I’m moving on with my life and getting over him. Everything is getting back to normal.

And now I can proudly say I am good and everything is on the right track.

So hindi ko rin maaalis kay Emma ang mag-alala sa akin. Dahil kilala niya ako, madali akong magmahal at ibigay ang lahat ng ako without sparing a little percent of me for myself. So if I’m willing to take another chance with Niko and take the risk of blurring my now-ordinary life then I have to keep a promise to myself, this time it must be different. Kailangan kong guwardiyahan ang sarili ko.

Habang tinitingnan ko ang text message ni Niko at muling naramdaman ang disappointment sa loob ko, I found myself replying.

Ako: Gnun b? K lng. Just do wat u hav 2 do. If u need help I can go wid u.

After tapping send, I found myself holding my breath. Para akong bagong dating sa swimming pool at ibinaba ang daliri sa paa sa level ng tubig para testingin kung malamig, manageable o mainit ba ang tubig. Kung i-welcome ba ako ng swimming pool at kaya kong i-fit in ang sarili ko na kapag lumusong ako sa tubig magiginhawaan ako.

Shit! I knew he will be dealing with family matters and I haven’t control myself in knowing at this early stage kung handa ba siyang makita ako ng family niya which I assume he will be meeting at least one of the members sa term niyang family matters sa kaniyang text. At this point I find it a bit inappropriate but will I be blamed after Cedric made me invisible?

Niko: No. Kaya ko n 2. Tnx enway.

Ini-expect kong tatanggi siya but I never expected it would make me sadder than I thought. Sobrang lamig pala ang tubig sa swimming pool and plunging down is not a good thing to do.


***


KUNG MERON mang bagay na naging bihasa ako, iyon ay walang iba kung hindi ang itago ang aking tunay na pagkatao. Totoo ang sinabi ko kay Dom kagabi habang nag-uusap kami sa may shade. High school nang
magsimula akong ma-attract sa kapwa ko lalaki. Dismissing the idea and not delving into it really helps. Having relationship also with girls covered the real me.

I can say for several years I am the guy the society expected me to be. The perfect son for my parents to be proud of. I projected a happy and contented person in the outside but alone and miserable in the inside.

As years went by, I knew that these feelings would never go away. And it is only waiting for the right time and the right person to ignite it and push me to uncover the real person I was fooling myself I am not.

Thinking that person is no other than Dom is definitely scaring the shit out of me.

May nangyari na sa amin ni Dom. Malaki ang chance na maging kami ni Dom. Ngayon lang ako naging totoong masaya simula noong araw na ma-realize kong attracted ako sa lalaki. Iyong feeling na ang gaan-gaan at sa sobrang saya ay ayaw mo nang balikan kung paano maging malungkot and all these because of Dom.

Kaya hindi ko na mapansin ang ibang tao sa paligid ko kung kagaya ba ng nararamdaman ko ang nararamdaman nila. Actually gusto ko silang hawaan ng pagiging masaya ko. Pero hindi pala pwede at talagang wala sila sa mood dahil may sarili silang issues na hinaharap sa buhay.

Dahil clueless naman ako at hindi ko basta-basta pwedeng baliwalain kaya I need to stop thinking about myself for a while and try to reflect things at their level.

“Dude, anong problema?” tanong ko kay Jim na noon ko lang napansin na hindi pala ako kinakausap simula kaninang umaga which I least bothered as I was dealing with my own happy thoughts. “You look like hell!” dagdag ko pa.

I closed the flip cover of my cellphone that I noticed he was looking at with a doubtful expression on his face. Katatapos ko lang i-text si Dom and he agreed meeting me for lunch. Thinking about it made me want to hold the hands of time and manually rotates it as fast as I could so I could meet Dom again.

I may be foolish to think but I already missed Dom. I really do.

Ibinaling ni Jim ang mata sa binabasang textbook saka umayos ng pagkakaupo sa bench na usually tinitigilan namin sa ganoong instances na vacant namin while waiting for the next class. “Wala,” sabi niya sa tono ng boses na alam kong meron pero ayaw lang sabihin o pag-usapan.

Classmate ko si Jim. Room mate at pinsan ng girlfriend kong ni Cherryl. We are not really close. We are not best buds but we’re friends so when things like this as if he is some girl having her monthly period strikes, I’ll just have to give him his needed space and just back-off. Kung ayaw niyang sabihin kung anong problema, hindi ko siya pipilitin.

“Ah. Okay.” Masaya ako sa araw na ito and I don’t feel like ruining it.

Parang lalong nainis sa narinig niyang sinabi ko. Tumingin sa akin at suminghal saka umiling at muling ibinalik ang atensiyon sa libro na feeling ko naman hindi niya talaga binabasa. Bigla ko tuloy naisip kung pilitin ko ba siyang sabihin ang problema niya o hindi.

Mukhang hindi ang sagot dahil nang mag-attempt akong muling magsalita, tumayo na ito. “May puntahan lang ako. Kita na lang tayo next class.” He said coldly not even looking at my direction.

Kakaiba talaga si Jim dahil noong magkita kami sa klase several minutes later, sa ibang classmate namin siya tumabi when since the start of the semester he sees to it na palaging ako ang katabi niya. Tumingin lang siya saglit sa akin with an expression in his face that I could not even read or understand.

Bigla tuloy akong napaisip kung may nasabi ba akong mali o nagawang hindi maganda na hindi niya nagustuhan. Ang tanda ko lang naman na ginawa ko so far ay ang hindi ako nakisabay sa kaniya early this morning at dinaanan ko pa nga si Cherryl.

I was supposed to tell Cherryl about us and clear things out. Dahil ngayong may pag-asa na akong maging masaya kay Dom, it’s the best thing to do lalo na’t I promised Dom about it last night.

Unfortunately it never happened at may classmate din si Cherryl na sumabay sa amin at wala akong nabanggit sa kaniya hanggang makarating kami ng school at pumasok sa kani-kaniyang klase.

Daig ko pa ang sinisilihan ang puwet sa pagkakaupo habang papatapos na ang klase ko bago mag-lunch time. I was very excited and already imagining about meeting Dom at nagre-rehearse na ng una kong sasabihin once magkita na kami.

Nang mag-vibrate ang cellphone ko for an incoming call, sinenyasan ko ang instructor namin na lalabas lang ako saglit ng room to answer the phone na hindi naman napansin ng mga classmates ko gawa ng sa hulihan lagi ako nakaupo.

Thinking it was Dom who might be confirming our lunch date, I smiled and greeted him in a low voice. “Hello Dom, you miss me?”

“Sinong Dom?” tanong ng nasa kabilang linya.

Holy shit! Bigla akong nag-panic at ramdam kong nawalan ng dugo ang aking mukha. Si Kuya Clarence ang nasa kabilang linya.

“Si Niko ba ito?” tanong ulit ni Kuya Clarence nang maumid ang aking dila.

“O-oo kuya… si Niko ito.” Shit. Shit. Shit.

“Sinong Dom? At bakit ka niya mami-miss?”

I searched for an alibi before saying, “Akala ko kasi Kuya ikaw si Cherryl kaya gusto ko sanang asarin.” He knew about Cherryl as my girlfriend from our past conversation.

“E bakit Dom?” ramdam ko ang duda sa boses niya.

Napakamot ako ng ulo. “Ah… pinsan ni Cherryl. Si Dominique,” paliwanang ko na binigyang diin ang huling syllable ng pangalan para i-assume niya I was referring to a girl. Mukhang nagtagumpay naman ako.

“Okay,” sabi niya na ngayon ko naramdaman sa boses niya na hirap siyang magsalita.

Fuck shit! I just insinuated that Dom is a girl and I feel guilt starting to swell inside me. That is unfair to Dom and I’m acting like an asshole.

“Problema?” tanong ko.

“Merong konti,” mahinang sabi niya. Ramdam ko ang pag-aatubili sa tinig niya at paghinga ng malalim bago nagpatuloy. “Pwede mo ba akong puntahan sa ospital?”

I felt panic instantly. “Bakit anong nangyari?” Bigla kong naalala na dati na rin niya akong tinawagan before na nasa ospital siya. Iyong time na nag-away sila ng live-in partner niyang si Brix. Nag-away sila at nauwi sa sakitan.

“Hey Nik relax. I’m okay now.”

Thanks God!

“Nag-away na naman ba kayo ni Brix? Did he hurt you?” Hindi siya sumagot kaya naisip kong I just hit the target. Gusto ko tuloy murahin ang lalaking iyon at gusto ko ring murahin si Kuya Clarence for being dumb.

Sa totoo lang guwapo si Brix and a fucking head turner. Tipong barumbado pero kung sinasaktan naman siya, I don’t find any reason for him to go on with their relationship.

“Pagdating mo na lang dito saka ko sabihin sa iyo ang nangyari,” sabi niya pagkaraan ng ilang saglit. “Supposed to be palabas na ako ngayong lunch time.”

“Saang ospital ka? Puntahan kita. Patapos na ang klase ko in a few minutes.”

Sinabi niya ang pangalan ng ospital then, “Wala kasi akong dalang cash kaya hindi ako makalabas. I want to ask you sana to withdraw from my ATM card.”

“Okay, just wait for me,” sabi kong hindi mawala ang pagkainis kay Brix. “Hey… do you want me to call Mommy?”

Biglang tumigas ang boses ni Kuya Clarence. “Don’t you fucking dare.”

“She’s still our Mom,” sabi ko hoping he will consider the idea.

“No, she’s your Mom but no longer mine.”

“But she loves you,” giit ko. Totoo ang sinabi ko dahil sa tuwing umuuwi ako during weekends, kahit palihim kinukumusta siya sa akin ni Mommy. At kapag sasabihin kong okay lang si Kuya Clarence, I see sadness leaving her eyes.

Puno ng hinanakit ang boses niya. “Kung mahal niya ako, hindi siya dapat naging sunod-sunuran sa naging desisyon ni Dad na palayasin ako at tuluyang itakwil the day I told them I am gay!”

Ako naman ngayon ang natigilan. Tama si Kuya Clarence, sana man lang dinepensahan siya ni Mommy. Sana man lang ipinagtanggol siya at hindi lang basta nanahimik.

“Now if you insists in calling her, just forget that I called you now,” para na siyang maiiyak ngayon.

Naiintindihan ko si Kuya Clarence. Hindi biro ang itakwil ka ng iyong pamilya. Our father disown him. Our mother let it happened and I, well kailangan ko pa ng suporta nila para salungatin ang gusto ni Daddy unlike si Kuya Clarence tapos na siya ng college that time at meron ng trabaho. Kaya na niyang buhayin ang sarili niya kahit papaano.

Pero kahit wala akong nagawa that time, siniguro ko naman na kinikumusta ko pa rin siya kahit mahigpit akong binawalan ni Daddy to detach myself totally kay Kuya Clarence. Kaya imbes na sa nirerentahang bahay ni Kuya Clarence dito rin sa Batangas City, minabuti kong sa boarding house na lang tumira at binibigyan naman ako ng pang-renta at allowance ni Daddy.

Sinikreto ko lang ang komunikasyon ko kay Kuya Clarence at after a few months later bago ko sinabi kay Mommy nang masiguro kong she’ll keep it to herself at kahit papaano mabawasan din ang guılt niya at mapanatag ang kalooban.

“Okay, let’s just drop it,” mabilis kong sabi. “Hintayin mo na lang ako diyan.”

Pagkababa ng telepono ni Kuya Clarence saka ko naalala ang lunch date namin ni Dom. Shit! What will I do now?

Pumasok muna ulit ako sa loob ng room. After a couple of minutes seating on my chair, I opened my cellphone and send a text message to Dom. I was so fucking eager to see Dom but I was caught up with this situation that I have to run errand for my brother.

I felt relieved when Dom texted back that it’s okay. Nalungkot ako. Bakit ganoon? Okay lang ba talga sa kaniya samantalang sa akin pakiramdam ko ay sobrang big deal na?

Hey man! He’s not the one cancelling you lunch meeting right?

Yeah. Right.

At nang mag-sink in sa isip ko ang kalahati pa ng reply ni Dom saka naman napalitan ng kaba ang lungkot ko. Dom is actually offering himself to go with me!

I would like him to go with me. I swear. Pero kung isasama ko siya siguradong malalaman ni Kuya Clarence na Dom ang pangalan niya. Iisipin ni Kuya na siya ang Dom na tinutukoy ko nang sagutin ko ang tawag niya kanina. Na lalaki ang Dom at hindi babaeng Dominique gaya ng ipinahiwatig ko kanina.

Hindi ko naman pwedeng sabihan si Dom na huwag magpakilala. Na huwag sabihin ang pangalan niya o palitan ang pangalan niya. I can’t do that with Dom. I will be hurting him thinking na wala pa mang malinaw sa aming dalawa ay itinatanggi ko na agad siya.

But your brother is gay, he would understand, right?

No. Yes. No. Shit! I’m not yet ready to come out at this point in time, am I?

In the end, I declined Dom’s offer that I regretted so much.

Pagkatapos ng klase, hinintay ko si Jim sa labas ng pintuan. Pero dinedma lang ako as he walk past where I was standing. So I decided to call him. “Jim… pare, saglit lang!”

Tumigil siya sa paghakbang at nang makaantabay ako sa kaniya saka ako pilit na ngumiti, “Hey man, may problema ba tayo?”

Tanong din ang isinagot niya sa akin. “Ikaw anong problema mo?”

Ah! The nerve with this guy! Umiling ako. “Sa iyo wala. Baka ikaw sa akin meron.”

“Bakit mo naisip na baka may problema ako sa iyo? Have you done anything lately to pissed me off?”

“Not that I know of,” tugon ko. I think wala namang pupuntahan itong usapan namin and I have to go to the hospital kaya tumahimik muna ako waiting for him to talk again. Kumibot ang mga labi ni Jim na parang may gustong sabihin but then again became still as he changed his mind.

After makiusap sa akin si Cherryl na maging kami ulit, I seldom call her with my phone. Magulo pa kasi para sa akin ang sitwasyon lalo na nang may mangyari sa amin ni Dom. Ayaw kong dagdagan ang pag-asa niyang okay na talaga sa akin na maging kami ulit. Kaya imbes na tawagan ko si Cherryl na siguradong hahanapin niya ako ngayong lunch time, naisip kong ipasuyo na lang kay Jim.

I don’t fucking understand what is happening to Jim because his face becomes more irritated when I said, “Pare, may pupuntahan lang akong importante sa labas. Kung makikita mo si Cherryl can you tell her for me?”

His eyes darkened and without saying a word he left.

What the fuck is happening here?


Itutuloy

No comments:

Post a Comment