Itutuloy
Sunday, August 24, 2014
Bedspacers: An Erotic Romance Series: Si Niko 13
“DOM, KUNG PAGOD ka, we can do this tomorrow or some other time.”
Nahihiyang napatingin ako kay Jeff na nakaupo sa aking kaliwa, sa guwapo niyang mukha at dalawang araw na hindi pa naahit na balbas. Magkatabi kami sa gilid ng kama niya. Hinila palapit kanina ang isang mesita na nagmistulang study table kung saan nakapatong ang kaniyang libro at scratch paper. Nasa display ng LCD ng calculator ang resulta ng computation sa sinasagutang problem.
Parehas kaming 3rd year ni Jeff sa kursong Engineering. Electrical ang major ko samantalang siya ay Industrial. Hindi kami magkaklase pero may common subjects kami. Sinabayan niya ako sa pag-uwi kanina na hindi naman niya dating ginagawa kaya ipinagtaka ko pero nang kausapin ako na kung pwede ko raw siyang turuan sa Electrical Circuits, nawala ang duda ko tungkol sa impression sa kaniya ni Emma at pumayag naman ako.
Problema lang hindi ako makapag-concentrate. I was always spacing out. My mind is always thinking about Niko. Ano kaya ang importanteng ginawa niya kanina para sa kaniyang pamilya?
Tumingin siya sa wall clock sa taas ng bintana. “Almost nine PM na rin,” dagdag pa niya.
Pilit akong ngumiti. “No, it’s okay,” sabi ko na umipod palapit para tingnan ang solution niya sa scratch paper. “Dalawa na lang yata, tapusin na natin.”
Napatingin siya sa nagkadikit naming mga tuhod at balat sa pag-slide ng aming mga suot na short pants sa pagkakaupo at mariing napalunok. Hindi ko alam kung lalayo ako instantly or what. I felt different when his eyes left our knees and grazed towards my lips.
“Parang may mali,” sabi ko sa kaniya at pasimpleng tinaggal ang pagkakadikit ng tuhod ko sa kaniya.
Totoo kaya ang suspetsa ni Emma tungkol kay Jeff? Is he one of us? He was so straight looking. Pero wala naman akong ma-sense sa kaniya not until now.
“Oo nga e,” sang-ayon ni Jeff after a few seconds opening the book from the last few pages. “At hindi parehas ang sagot sa likod ng libro.”
Imbes na lumapit ulit, inabot ko na lang ang scratch paper niya and look at the solution closely. “Ayun, may mali sa formula,” sabi ko at itinuro sa kaniya.
He nodded and smiled. That was when my phone vibrated with an incoming message. Kinuha ko sa aking bulsa at nakaramdam ako ng kakaibang saya nang makita ko ang missed call at ang text galing kay Niko.
Nandito ako sa shade. Hintayin kita dito.
“Girlfiend?” interesadong tanong ni Jeff na hindi ko napansing nakatutok ang mga mata sa akin.
Umiling ako.
“Ah… boyfriend?” pabirong sabi niya.
Ngumiti ako. “Gago,” sabi ko na itinaas ang kaliwang kamay ko at binatukan ko siya na hindi ko naman pinadapo. Somehow it made me think for a while. Alam kaya niya ang tungkol sa akin?
“Okay, kung hindi girlfriend, bagong prospect?”
“Wala,” pinamulagatan ko siya ng mata.
“Come on Dom. Kung saan-saan nalipad ang isip mo simula kaninang mag-umpisa mo akong i-tutor. Tapos iyang mukha mo malungkot then instantly nagbago, sumaya nang mabasa mo ang text na iyan. Kaya hindi pwedeng wala,” nakangiti na siya ngayon na lalong nagpalakas ng kaniyang sex appeal.
“Mabuti pa itama mo na iyang formula at i-calculate mo ulit. Punta lang ako ng CR.” Hindi ko pa sinasagot ang text ni Niko. Gusto ko munang pag-isipan kung pupuntahan ko ba siya o hindi.
“Do you want me to help you?” nakangising tanong niya.
Sinakyan ko ang pagbibiro niya. “Ikaw magbababa ng shorts ko at brief at magga-guide sa bowl habang nakikipagtext ako?”
Lumuwang pagkakangiti niya. “Honestly, I can do that if you want.”
Shit! Is he still joking or what?
Sininghalan ko siya saka umiling. Mukhang hindi pwede ang flirtatious conversation kay Jeff at palaban and I don’t want to give him a wrong idea. “No thanks man, I can manage,” saka natatawang lumabas ako ng aming silid.
Ilang minutong nakatingin lang ako sa text message ni Niko. I really want to come but what happen today made me sick with worries. Paano kung kagaya din siya ni Cedric? What if history repeats itself? Fuck! Gusto ko ba ulit i-subject ang sarili ko from terrible heartaches?
Instead of texting him, I tapped the call button. Shit! He was unreachable. Did he just turned off his cellphone so I could not not say no?
Lumakad ako palapit sa half-open na pinto ng room nila. I was a bit hesitant thinking about Jim na baka makita niya akong nakasilip. I was hoping Niko is still inside his room kahit malinaw sa text niya na nasa waiting shade na siya kung saan kami nag-usap kagabi.
Pagsilip ko wala si Niko, ni walang kulubot ang bedsheet ng kaniyang kama. Bago pa ako mapansin ni Jim na nakahiga sa upper deck at busy sa kaniyang cellphone, nagmamadali akong lumakad palayo ng pinto and stayed far enough that nobody could overheard me.
I browsed from my contact list and tapped the call button. After three rings finally sumagot si Emma. “Hey what’s up?”
“Is this a bad time to call?”
“No,” tugon niya. Ramdam ko ang pagngiti niya the way she sounded. “Katatapos ko lang manood ng teleserye at iyong kasunod hindi ko naman trip kaya pwede mo akong abalahin. So?”
I was having second thoughts of asking for her opinion but after a few moments let out a sigh. “Tinext kasi ako ni Niko. Gusto niyang magkita kami ulit.”
“So anong problema?”
“I don’t know,” sabi ko sa kaniya siguro sa kawalan ng sasabihin o ayaw kong marinig ang sarili kong voicing out my fear.
“You like him?”
“Very much,” mabilis kong sabi without even thinking.
“Then what’s stopping you?”
Humugot ako ng malalim na hininga. “Paano kung kagaya rin siya ni Cedric?” Nalungkot ako sa naisip because I don’t want him to be like my ex-boyfriend. I want him to be the opposite.
“What if he’s not? Then that would mean you’ve lost your chance of a lifetime to be happy.”
Hindi ako nakaimik. Lalong naglaban ang isip at ang gusto ng puso ko.
Muling nagsalita si Emma. “Maybe I was to be blamed for poking you at the head this morning. As much as I don’t want you to be hurt, I also don’t want you to be sad and lonely forever. Dom, gusto lang kitang paalalahanin but that doesn’t mean you will stop trying with love.”
“So you think it’s a good idea?” Never felt I would turned happy and excited from sad in merely a couple of seconds.
“One meet-up would not hurt you, right?”
Tumango ako kahit alam kong hindi naman ako nakikita ni Emma.
“Isa pa, pwede mo ng itanong kung bakit siya nag-cancel ng lunch date ninyo kanina. Get to know him better and then decide for yourself.”
“Hey, you want to come?”
Hindi sumagot si Emma probably thinking if it’s best for her to do so.
“Just meet him for a few minutes.”
“Saan ka ba niya dadalhin?”
Napangisi ako. “I am hoping, dalhin niya ako sa bahay nila at ipakilala sa mga parents niya?” sinundan ko ng tawa.
“Then I better not,” tumawa na rin siya.
“Seriously I don’t know.”
“Okay ganito na lang. Text mo na lang ako pag magkasama na kayo and then we’ll see.”
“Okay,” tugon ko this time mas malaki na ang lamang na puntahan si Niko. “See you!”
After several minutes I was on my way to the waiting shade wearing a semi-fit cotton V-neck white tee paired with an Indigo slim-fit jeans and slip-on grey casual shoes. Habang papalapit ako at mapigurahan ang silhouette ni Niko sa pagkakaupo sa shade, ramdam ko ang papabilis na kabog ng dibdib ko.
A few feet away, naamoy ko na ang pamilyar na pabango niya na humalo sa bahagyang hangin sa paligid, amoy ng pinaghalong peppermint at orange. Just this time I am no longer sure if it’s that cheap as I thought before as the scent last for more than a day.
I was expecting he will be wearing the same hooded shirt from yesternight but I was wrong and more relieved when he get on his feet and walk towards me. “Akala ko hindi ka na dadating. I’m glad you’re here.” Nakangiting sabi niya and I thought for a single moment he would reach for me and brush a kiss on my lips.
Wala ang hooded shirt, instead he’s wearing a dark grey Tshirt with tribal pocket on the left side clinging on all muscles of his body paired with a skinny fit blasted black jeans and Vans casual sneaker. Mukhang wala na sa isip niya ang itago ang mukha habang kasama ako.
Plus points?
“Sorry,” sabi ko inching forward filling my lungs with his intoxicating scent which I’m now beginning to get addicted. “Nagpaturo kasi si Jeff sa akin sa Circuits, tinapos pa namin iyong remaining problems.”
Tumango siya and forced a smile on his red lips. “Hey, I want to say sorry about earlier.”
“Okay lang,” sabi ko kahit alam kong hindi dahil iyon ang palaging nasa isip ko mula kanina.
“It’s about my brother. Palabas siya ng ospital at nagpatulong siya sa akin. I’m really sorry.”
Gusto kong itanong sa kaniya ang buong detalye, who, what, where, when, why and how pero sa ngayon magmumukha akong masyadong demanding para magtanong ng ganoon. “Okay lang. Kasama ko rin naman si Emma noong lunch time at naki-join din si Jeff nang maabutan kami sa canteen na wala ng maupuan kundi iyong bakante sa mesa namin.”
He gave a relieved smile. “Lakad-lakad tayo,” sabi niya.
“Sigurado ka? We can stay here, okay lang sa akin.”
Nagtataka ang ekspresyon ng mukha niya.
“I just thought you might not want the idea of being seen by other people with me.”
Nag-isip siya saglit considering what I said. Kung anoman ang naisip niya he dismissed it immediately. “I don’t mind. We’re not doing anything wrong, right?”
Tumango ako. “Then lead the way.”
Tinahak namin ang direksyon palabas ng subdivision. Kahit walang tao na pwedeng makakita sa amin sa paligid na karamihan ay mga nanonood na ng mga paboritong teleserye, I can’t stop the happiness swelling inside my heart as Niko walk beside me. Hindi ito nangyari sa amin ni Cedric kahit minsan maliban sa mga ilang oras na pasikretong pagtatagpo namin sa loob ng kaniyang silid kaya siguro kahit ganito lang kasimpleng paglalakad kasama si Niko out in the open, ganito na agad ako kasaya.
After several steps, he took my hands in his, intertwining our fingers together, the heat on his palms radiating with mine sending high electrical voltages on my nerves. Tumingin ako sa mukha niya at ngumiti siya. Hindi na kailangang magsalita ng bawat isa sa amin at hawak-kamay kaming naglakad palabas ng subdivision.
Nang nasa highway na kami kung saan may mga tao ng nakakasalubong at mga nagdaraang sasakyan, saka lang siya marahang bumitaw. I was already expecting that to happen at kung hindi man niya gawin, ako na rin mismo ang bibitaw. So it’s not a big deal. Siguro dahil hindi ako nasanay sa ganoon. I swear I wanted to be out and proud pero may mga bagay sigurong kailangang limitahan hindi dahil ayaw natin na ipakita sa mga tao kung gaano kamahal ang isa’t-isa, kung hindi dahil there are other people around us na hindi pa rin tayo tanggap and we don’t want them to feel embarrassed and give them something to throw back at us.
Nakarating kami sa malapit na gas station kung saan merong mini convenience store at sa labas may mga garden tables and chairs covered by big umbrellas.
“Okay lang sa iyo dito?” tanong ni Niko na iminuwestra ang isang mesa na actually pinakamalayo sa mini store at sa mga sasakyang nagkakarga ng krudo.
He is still playing safe after all. Minus points?
Parehas lang kaming estudyante at isa pa kapag kasama mo ang isang taong espesyal sa puso mo, hindi na mahalaga kung saan ka mang lugar dalhin. Kahit nga sa tabi-tabi lang at tamang street-food-trip lang solb na. Ang importante magkasama kayo at masaya ka dahil doon.
Truth is, hanggang sa shade lang ang nasa isip ko kanina where in ‘tago’ at hindi siya makikitang kasama ako. “Of course,” nakangiting sabi ko.
Umupo ako at nagpaalam siyang bibili ng maiinom sa mini store. That gave me time to get my phone and text Emma. Sinabi ko sa kaniya ang lugar then waited for his reply.
Emma: Pwedeng uminom diyan!
Tumingin ako sa ibang mga mesa. Dalawa ang okupado pero ilang mesa ang layo sa amin, mas malapit sa pintuan ng convenience store. May mga bote ng beer sa kanilang mesa at mga plastic cups at chichirya.
Ako: No idea.
Emma: Ndi aq mgttka, kelan kb suma2 s kin lumabas?
Well, tama siya. Best friends kami pero pagdating sa mga night out hindi ko siya sinasamahan. Nakikitira lang kasi ako sa aking Tiyahin at ayaw kong may masabi siya against sa akin at makarating kay Tatay. Isa pa, wala akong budget para sa ganoon.
Ako: ppnta kb?
Emma: Yes!
Hindi na ako naka-textback nang makita kong lumabas na si Niko ng convenience store. Inilapag niya ang dalang potato chips, dalawang bote ng mineral water at…
“Ice cream?” pigil ang ngiting tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa oval shape container.
Ipinatong niya ang dalawang plastic spoon sa takip. “Ayaw mo?” bigla siyang nag-worry. “Cookies and cream iyan.”
“Are you kidding me?” ngumiti na ako ng tuluyan. “It’s may favorite flavor.”
“I know,” very proud niyang sabi.
Nangislap sa tuwa ang aking mga mata. “You do?”
He nodded smilingly and I felt like going over the table to snatch his face with my fingers and brush a kiss on those red lips. “I may hide the feelings I have for you for a long time but I am practically observant on small things about you.”
Another plus points?
Binuksan ko ang takip. Sinimulan naming lantakan ang ice cream at paminsan-minsan ay sinusubuan niya ako na hindi ko naman tinatanggihan. After sometime sinubuan ko na rin siya at sinadyang idikit sa matangos niyang ilong. Tumawa siya wiping the tip of his nose. I felt the need to lick the ice cream with my tongue but reminded myself we are in a public place. The thought made my cock twitch straining my jeans.
Nagulat tuloy ako nang kumayod siya ng ice cream sa kanang hintuturo saka ipinahid sa aking pisngi. Ginaya ko siya pero mabilis na umiwas. Kinuha ang panyo sa kaniyang bulsa, binuksan ang bote ng mineral water saka binasa ng kaunti ang panyo at banayad na pinahid ang ice cream sa aking pisngi.
“Alam mo ba kung anong gusto kong gawin ngayon?” tanong niya his eyes never leaving mine. The sexual tension slowly building around us.
I guess we share the same feelings. “Ano?”
“I want to lick the ice cream in your face until it’s gone. Sad to say we’re in public.”
Kung hindi ko natext si Emma at walang mga tanong sa isip kong gustong malinawan, baka hinila ko na si Niko at niyayang pumunta somewhere private. Huminga ako ng malalim and in my mind I told my cock to stop hurting itself. “You know we can do that,” wetting my lips with my tongue teasing him. “Later.”
“Definitely,” sang-ayon niya inhaling all the air he requires to keep himself calm for the moment.
Inihiga ko ang potato chips sa tabi ng ice cream tearing a rectangular hole on top and munching a few chips on my mouth.
“Pinopormahan ka ba niya?” pag-iiba niya ng usapan na ikinatuwa ko as the problem with my erections getting worse.
“Nino?”
“Jeff.”
Napa- ‘O’ ang mga labi ko in confusion. “The guy is straight.”
He found me telling that unbelievable. “Said who? Hindi mo alam? Jeff is bisexual.”
He was not the first person to tell me about this. Emma already has a hint. “I never noticed.”
“Well, siguro dahil hindi mo lang alam kung ano ang titingnan mo to come up with a conclusion.” Tumango ako in agreement, mahina talaga ang gaydar ko pagdating sa ganoon or probably I don’t like the idea of thinking ill of anybody. “I’ve already sensed about it for sometime. He even hit on me before, that’s why I know.”
Thinking about it makes me jealous. “And…”
“Sabi ko sa kaniya I don’t like guys and fuck off!” a slight irritation painted his face as he remembered.
That was a relief to hear. “You don’t like guys huh?” panunukso kong tanong.
His face brightened. “Not if the guy is you.”
Another plus points?
“So pinopormahan ka ba niya?”
Naisip ko ang mga tingin sa akin ni Jeff kanina nang magdikit ang mga tuhod namin. How he gazed at my lips with his needy eyes. Would that count as one? “No. I don’t think so.”
Lumiwanag lalo ang mukha niya and with a serious tone he said, “That’s great then.”
“What’s great about it?”
“Because you’re soon to be mine,” awtomatikong sagot niya that made my heart want to jump out of my ribcage.
Wala kaming napag-usapan kagabi tungkol sa sitwasyon namin pagkatapos ng nangyari even after he joined me in my bed and sleep with me till dawn. Ang tanong kung ano ba meron kami seems a forbidden question to be asked for both of us. Kahit alam ko sa sarili ko na mas higit pa sa pagkagusto lang ang nararamdaman ko kay Niko, I still don’t know if I can give him a positive response in case he asked me. “You seems pretty sure about it,” I said teasingly.
“Yes. In case you still don’t know,” - inilapit niya ang mukha ng bahagya, his eyes sparkling with the light from a running vehicle in the highway- “I’ve already marked you twice last night.”
Nang maalala ko ang mga chikinini na nakita rin ni Jeff kaninang umaga, nakaramdam ako ng pag-iinit ng mga pisngi at the same time happy knowing how the way Niko looked at them. I nodded in surrender. “You’re one of a naughty possessive guy.”
“Yes I am. So better warn Jeff in case he hit on you because after tonight I’m sure you’ll be mine and I don’t intend to share.”
Another plus points?
Itutuloy
Itutuloy
Labels:
Bedspacers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment