Itutuloy
Wednesday, August 20, 2014
Bedspacers: An Erotic Romance Series: Si Niko 12
HINDI KO inaasahan na within a few hours magkakaroon ng transition ang nararamdaman ko. Mula masaya dahil sa nangyari sa amin ni Dom kagabi, naging kabado ng bahagya sa attempt kong klaruhin kay Cherryl ang status ng relasyon namin. Balik ulit sa masaya sa pagpayag ni Dom na makipag-meet sa akin for lunch. Nauwi sa pag-aalala kay Kuya Clarence. Pagkainis kay Brix. Nakaramdam naman ng lungkot sa pag-cancel ko sa lunch namin ni Dom. Pagkainis sa sarili ko sa hindi ko pagpayag sa alok ni Dom na samahan ako. Pagkabugnot ko sa kakatwang ikinikilos ni Jim.
At ngayon habang binabaybay ko ang hallway ng ospital papunta sa silid ni Kuya Clarence, ramdam kong parang ang bigat ng ulo ko. Naghahalo-halo na ang mga nasa isip ko. For so many years, ngayon lang ako nagkaganito. Biglang nabulabog ang dating manageable kong mundo.
And it’s because of Dom.
“Hey, pasok!” anyaya ni Kuya Clarence. Hindi ko pala namalayan na ilang segundo na akong nakatayo sa may pinto ng kaniyang silid.
Umupo siya sa kama, nahila ang nakatusok sa kaliwang kamay na hose ng dextrose na nakasabit sa isang metal na posteng de-gulong at paapubos na ang laman. Ahit ng bahagya ang buhok sa taas ng kanang noo na nakabenda.
Lumapit ako sa gilid ng kama, tinanggal ang backpack bag sa aking balikat saka ipinatong sa isang couch na nakadikit sa dingding. “Kumusta ka na?” tanong ko sa kawalan ng sasabihin.
“Okay na ako.”
“Ano ba kasing nangyari?”
Imbes na sumagot, kinuha niya sa ilalin ng unan ang wallet niya saka kinuha sa loob ang ATM card at inabot sa akin. “You know the pin,” sabi niya.
Of course I know the pin. Hindi naman ito ang unang beses na ipinagwidro ko siya para ilabas ng ospital. “Jesus! Anong ginagawa mo sa sarili mo Kuya? Look at you. Guwapo ka, may magandang trabaho. I don’t understand why you opted to settle for less? Okay sana kung mabait ang lalaking iyon pero itong ganito. Fuck!”
Lumungkot ang mukha niya na parang maiiyak. “Hindi mo talaga ako maiintindihan because you are not in my shoes. You have everything around you Nik. You have your parents-”
“Stop this crap. They are also your parents!” I said cutting him off.
“OO. Bago ko sinabi sa kanilang bakla ako. Pero pagkatapos noon I am only on my own. Kahit hindi ko maintindihan na anak nila ako pero bakit nagawa nila akong tiisin. Pinalayas nila ako dahil ayaw nila sa kung ano ako. I didn’t make myself like this neither did they. They want me to be cured and change me. But I’m not sick and there’s nothing to be changed. This is me!”
Natigilan ako. That time three years ago before he outed himself to our parents, that exact time I realized where I am actually now. About to burst and longing to come out and become the real me. And now more than ever, it is scaring the shit out of me.
Iniisod ko ang backpack sa kaliwa saka ako umupo sa couch. Parang akong nanghihina. Tumingin ako sa mga mata niyang puno pa rin ng hinanakit all these years. “Naiintindihan kita Kuya.”
Umiling si Kuya Clarence, nalaglag ang highlighted light brown na bangs ng buhok niya sa gasa sa kaniyang noo. “Paano mo ako maiintindihan when you are as straight as a galvanized pole?”
Because I am like you but not strong enough to face it!
“Paano mo maiintindihan Nik when you have people around you to cling on when you have problems when I only have Brix who accepted me and loved me for who I am?”
Bumalik na naman ang inis ko nang marinig ko ang pangalan ni Brix. “Kung mahal ka niya hindi ka niya sasaktan. Kung mahal ka niya bakit ka nasa ospital ngayon? Bakit wala siya dito sa tabi mo?”
He wiped away the tears that fell in his handsome face. “Kasalanan ko naman kasi eh. He is leaving me for good for another guy and I tried stopping him. He pushed me out of his way and I stumbled on the floor. Saka ko lang naramdam ang hapdi sa aking ulo at narealize kong may sugat ako sa noo nang maglaho ng kaunti ang sakit dito,” aniya na itinapat ang hintuturo sa kanyang puso.
I’m dying inside seeing him like this. “Jesus! That sound so pathetic. Walang pinagkaiba iyang sinasabi mo sa mga battered housewife na napapanood ko sa TV. Kasalanan mo man o hindi, nobody was given license to hurt you or anybody.”
Hindi siya kumibo. I want to get near to hug him but I stopped myself. Gusto kong maintindihan niya ang punto ko. Shit! That guy is more than a parasite. Tambay na nga at marami pang bisyo sa katawan. Bakit kaya hindi na lang siya kumuha ng boyfriend iyong kagaya niyang may work din para at least man lang share sila sa mga gastos while living together.
“Please Nik, just get me out of here,” he pleaded.
I nodded slowly in exasperation. “Okay. Alis muna ko.”
Malungkot siyang tumango habang palabas ako ng silid. In less than half an hour I came back to settle the bills and I took him back to his apartment.
I have been inside his apartment for several times but it was only now that I felt different.
Tahimik.
Malungkot.
Ramdam ko iyon habang papasok kami sa loob hanggang sa kaniyang kwarto. Pinahiga ko siya sa kama niya and put all his medicines on the sidetable, reminding him the specific time he will took them. Naglagay din ako ng isang pitsel ng tubig at nagsalin sa isang baso para ready na.
“Can you please stay for a while?” tanong ni Kuya Clarence faking a smile.
Umupo ako sa tabi ng kama, sinuklay ko ng daliri ang buhok na tumakip sa benda sa kaniyang noo. “Okay. But I want you to take a nap. Kailangan mong magpahinga.”
Tumango siya then he closed his eyes. I was watching him feeling the loneliness and sadness in his heart. Gusto ko siyang yakapin and to assure him that everything will be fine, but how?
“Do you have any regrets?” wala sa loob na naitanong ko.
Nagmulat siya ng mata. “About what?”
“About all of this… about coming out.” I sighed and eagerly waited for his answer thinking it would make a big difference for me knowing it.
Ngumiti siya. This time it is real. Genuine and as true as his heart. “Not a single chance. Not a single moment.”
Tumingin siya sa akin that made me almost jumped from the bed. Fuck, he was looking through me. I feel he is gauging something and how I wish I never asked about it in the first place.
Alam ba niya? May hint ba siya tungkol sa akin? I can’t stand looking in his eyes so I snaked my gaze down from his eyes to the soft pillow he dug his head comfortably.
“Magsisisi siguro ako Nik kung hindi ko iyon ginawa. It was the happiest day of my life. Daig ko pa ang ibong nakakulong mula sa pagiging inakay na biglang nabuksan ang kulungan at nagkaroon ng pagkakataong lumipad. As if I was freed from a burden on my back of my own doing that gotten bigger and bigger through the years of hiding. No inhibitions. No pretenses. Only me. Just the real me.”
How I wish I was him. “But as you said you were alone.”
“I would rather be alone being my true self than being surrounded by people living into their expectations and feel restless and depressed my whole life.”
He was absolutely right! At kahit wala siyang alam tungkol sa akin, tinatamaan ako sa sinasabi niya. “I’m sorry Kuya at nanahimik lang ako that time and also let it happen.”
Hinawakan niya ang kamay ko. “I understand Nik. You are still under their roof and need their support financially.”
Tumango lang ako. After five months ga-graduate na rin ako. Makakahanap na rin ng trabaho. Maybe that time kaya ko na ring maging matapang kagaya ni Kuya Clarence.
Pumikit siya and after a few minutes his breathing deepened. Lumabas ako ng silid at nagpasyang linisin ang mga kalat na posibleng gawa ng komosyon sa pagpigil niya sa pag-alis ni Brix. After putting everything back in its place and mopping the floor I took a seat on the sofa.
Sobrang tahimik ang buong bahay. Pakiramdam ko habang nagti-tik-tak ang kamay ng orasan na nakasabit sa dingding, lalong tumitindi ang lungkot sa paligid. I found it too much depressing. Nakakapanghina ng buong katawan.
Siguro hindi ganito kung straight si Kuya Clarence. Kung hindi siya nag-iisa. Kung may asawa siya. Kung may mga anak siyang naglalaro at ang mga tawanan ang pumupuno ng saya sa buong paligid. Na pagkatapos ng maghapong trabaho, his wife is lovingly waiting for him. Sabay-sabay silang kakain ng hapunan. Pag-uusapan ang mga nangyari sa bawat isa sa maghapon and at night patutulugin ang mga bata and then sleep with his wife’s embrace. And on weekends, mamamasyal o pupunta ng mall for family bonding. Kahit magkahawak-kamay pa sila ng misis niya okay lang. Marami pa ang maiinggit at sasabihing sobrang sweet naman nilang mag-asawa. Unlike kung parehong lalaki ang magka-holding hands na pagtataasan ng kilay at aalipustain ng mga taong makikitid ang pag-iisip.
I thought about the same things for me through the years. I dream about it. A perfect family of my own but now I don’t know if I still wanted that.
Nag-ring ang aking phone at wala sa loob na sinagot ko. “Hello…”
“Nik, kumusta ka na anak?” tanong ni Mommy.
“Okay lang po,” tugon ko trying my best to hide my sadness but failed.
“Parang hindi,” ramdam ko ang pag-aalala sa kaniyang tinig.
I am gay!
Iyon ang gusto ko sanang sabihin pero kahit anong lunok ang gawin ko hindi matanggal-tanggal ang bikig sa aking lalamunan para ako makapagsalita. I just decided telling her about Kuya Clarence instead. Alam kong nag-promise ako kay Kuya not to call her pero siya naman ang tumawag sa akin at isa pa siguradong kagaya rin lang ng dati na balitaan lang after noon tapos na. “Nandito pala ako sa apartment ni Kuya.”
Nadagdagan lalo ang pag-aalala niya nang magsalita. “Bakit anong nangyari sa Kuya mo?”
“Iniwan siya ni Brix. Pinigilan niya. Nagtalo sila at naitulak siya ng lalaking iyon. Nasugatan sa may kanang noo but he is totally fine now.”
Narinig ko sa kabilang linya ang paghinga niya ng malalim. “Ito ang ikinatatakot ko nang malaman kong ganyan siya. Ang makatagpo siya ng lalaking magsasamantala at gagamitin ang kahinaan niya. Never siyang magiging masaya sa buhay na pinili niya.”
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis. “Hindi pinili ni Kuya Clarence ang maging bakla siya.” I found myself not only referring to Kuya Clarence but also for myself.
“No,” tumigas ang tinig ni Mommy. “May paraan para gumaling siya. There are options to take. We wanted him to seek professional help. Pero ayaw niya. He even turned his back from our church.”
Paano ko ba sasabihin kay Mommy na hindi sakit ang pagiging bakla? Na apat na dekada na ang nagdaan mula nang taggalin sa listahan ng psychological disorders or as a metal illness? Paano ko babaliin ang paniniwala nila sa simbahan na ang itinuturo ay isang kasalanan ang maging isang bakla at ang manatili sa ganoong uri ng pamumuhay ay masusunog sa impiyerno?
“Mommy for the last three years never man lang bang sumagi sa isip ninyo na ikonsider na mag-research tungkol sa pagkatao ni Kuya Clarence? Usong-uso na ngayon ang internet-”
“Niko, we are bounded by the law of God. We live with the teachings of the holy Bible and we don’t need other people’s belief and false explanations to cloud our faith.”
I tried not to sound starting an argument when I speak. “Sabi ng Diyos mahalin natin ang ating kapwa at si Kuya Clarence hindi lang siya basta-basta kung sinong tao. He is my brother. He is your son.”
Tumaas ang tono ni Mommy. “Pero sinuway niya kami and he must suffer the consequences of his action. Unless he will change his ways. Magsisi at iwanan ang ganyang pamumuhay at magbalik-loob sa Diyos.”
Umiling ako. I won’t win anyway. “At kung hindi?”
Ilang segundo bago muling nagsalita si Mommy, malungkot ang kaniyang tinig. “Wala na akong magagawa para sa kaniya.”
“Were you talking for yourself on in behalf of Daddy?”
“Does it matter?”
“Yes. Dahil alam kong mahal ninyo si Kuya Clarence. You are hurting as much as he does.”
Her voice softened a bit. “I love your father. Sabi sa Bible, kailangang magpasakop ang babae sa kaniyang asawa. Ang desisyon ng Daddy mo, siya rin ang desisyon ko.”
“At okay lang na mawalan kayo ng anak?”
“Nik I don’t get it why are we all of a sudden talking about this topic? It’s been years…”
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Gusto kong marinig ang sagot sa tanong ko. “So okay lang Ma?”
“Kahit hindi, I must deal with it.”
Pakiramdam ko’y tinanggalan ng hangin ang buong katawan ko. “What if I’m also gay? Okay pa rin sa inyo na mawalan ng anak ng tuluyan?” Words were said before I even thought about it.
“Bakit bakla ka ba?”
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Am I ready to answer the question truthfully? Maybe not yet. “Kung sakali lang.”
“Diyoskong bata ka. Muntik na akong maatake sa puso sa iyo. You know your Daddy would not accept that. You know how hard for him when he knew Clarence is gay. He was devastated thinking what went wrong. You are his only hope para magka-apo at magpatuloy ang kaniyang lahi. Kita mo iyon sa reaksiyon niya kung gaano siya naging kasaya nang ipakilala mo si Cherryl sa amin. Binigyan mo siya ng pag-asa, something that your brother took away from him. So hindi-hindi niya matatanggap kung ganoon rin ang pipiliin mong buhay and that would also be true for me.”
Pagkatapos noon, kinumusta lang niya ang studies ko. Sinabi rin niyang kinukumusta ni Daddy si Cherryl at tinanong ako kung kailan daw ulit papasyal? Kung pwede ko raw bang isama this Sunday? How can I say yes when I would have ditched her this morning?
Nagdahilan lang ako na maraming school activities si Cherryl and maybe some other time. Tinanong ko siya kung gusto niyang pasyalan si Kuya Clarence pero tumanggi siya and I know because of Daddy. Sabi lang niya tama na sa kaniyang malaman na maayos na ang lagay ni Kuya Clarence.
Hindi ko na hinintay pang magising si Kuya Clarence. Matapos kong masigurong okay na ang lagay niya, kinuha ko na ang bag ko sa couch sa loob ng kaniyang silid. Ini-lock ko ang pinto and before going out of the gate I gaze back at the house. I still felt the same aura, emanating deep sadness that is very depressing.
Walking my way out and reflecting back everything in my timeline, I realized why all this happened today. Fate has just showed me a glimpse of what will happen to me if I follow my heart, if I come out and show everybody who I am.
I would suffer the same fate like Kuya Clarence. Disowned by my parents. Sad. And if things will not work out for me and Dom, for sure I will also be lonely.
Itutuloy
Itutuloy
Labels:
Bedspacers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment