Bedspacers: An Erotic Romance Series: Si Niko 10
“What was that smile all about?”
“What?” defensive kong balik-tanong kay Emma na bestfriend ko at kaklase din.
Kauupo lang niya sa tabi ko sa mesang nasa sulok ng Library na paborito namin dahil malayo sa Librarian at kahit mag-ingay ng bahagya hindi pa rin magiging kapansin-pansin. Inilabas ang ilang piraso ng newsprint paper na naka-stapler mula sa kaniyang clear folder. “I know that smile… come on spill it.”
“Hindi kita ma-gets,” pag-iwas ko kahit alam ko ang tinutukoy niya. Nang mag-zoned out ako habang naghihintay sa kaniya, naalala ko ang mga nangyari sa amin ni Niko at hindi nakalampas sa matalas na mata niya ang tuwa sa aking mukha pagdating niya, might be the same expression na nakita sa akin ni Jeff kaninang umaga just before I saw Jim.
Iniabot ko sa kaniya ang sagot ko sa assignment namin sa first subject sa hapong iyon at ikinumpara niya ang sagot ko sa sagot niya. “Come on Dom, iyang pag-glow ng mukha mong iyan ay may ibig sabihin. I remember the last time kitang nakitang ganyan nang maging kayo ni Cedric.”
Fuck! Ganito ba ako ka-transparent sa nararamdaman ko kay Niko o sadyang kilala lang talaga ako ni Emma? Probably the latter sa tagal na naming magkaibigan at magkaklase simula pa noong high school.
I was lost for words for a while. Hindi ko madesisyonan kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol kay Niko. Siguradong uusisain niya ang tungkol sa status ng pagkatao ni Niko, kung closeted ba ito o Out and Proud, na sa ngayon wala akong maisasagot. I know Niko and I like him a lot and aside from that wala pang malinaw kung ano bang meron kami. Are we just fuck buddies or will we be going in a relationship.
“Hello…” sabi ni Emma na tinapik-tapik pa ang kamay kong nakapatong sa mesa. “I’m waiting for an honest answer.”
Para akong kikiligin maisip ko pa lang ang sasabihin tungkol kay Niko. “Okay, okay. There is this guy that I really like a lot…”
Ngumiti si Emma at biglang naging ineteresado ang ekspresyon sa kaniyang mukha. “And-”
“Nalaman kong may gusto rin siya sa akin,” sabi ko at nang hindi siya magsalita nagpatuloy ako. “Actually we already made out.”
Mas kinilig pa siya sa akin. “Sino? Kilala ko ba? Classmate ba natin? Taga-UB rin ba?”
Natatawang umiling ako. “No.”
May bigla lang siyang naisip. “Akala ko pa naman iyon ng roommate mong si Jeff.”
“Straight kaya si Jeff.”
Nagkibit-balikat siya na ipinagtaka ko. “Straight iyon.” Giit ko.
Hinawi niya ang ilang strands ng buhok niyang lampas balikat na nalaglag sa kaniyang kanang noo. “Okay if that’s what you said even I think otherwise. So going back, sino iyang guy na iyan that made you glow with happiness?”
“Remember iyong isang bedspacer na taga-Lyceum? Iyong guy na itinanong mo sa akin kung anong name nung isang araw na magpunta ka sa bahay?”
Her face registered amazement. “Shit, si Niko? Iyong gwapong HRM ang course at super crush ko?”
Tumango ako.
“Ano ba iyan? Bakit ba karamihan na lang ng gwapo ngayon kundi gay ay bisexual? Ano na lang ang matitira sa aming mga girls?”
Natawa ako sa sinabi niya. Pero may point siya. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari sa amin ni Niko at ang pag-amin niya na may gusto siya sa akin pero siyempre nag-skip ako sa parteng nag-sex kami. Pinahagingan ko lang kahit na nang magtanong siya ng detalye. Minsan nakakapag-isip din at may mga girls that they find it hot when two guys make out, probably the same thing with straight guys when two girls are doing it.
“Di ba may girlfriend iyon?”
Brace yourself, paalala ko sa sarili ko. “Break na sila,” sabi ko. Break na nga ba? “Makikipag-break na siya”—ano nga bang status na?- “no… it’s a bit complicated.”
“Umpisa pa lang complicated na agad?” Nang hindi ako umimik saka siya nagpatuloy. “And it was because of you kaya niya ibi-break GF niya?”
Mabilis akong umiling. “No!” mas malakas ang pagkakasabi ko na kumuha ng atensiyon sa ibang estudyante sa kalapit na mesa.
Pigil siyang tumawa. “Bakit super defensive ka?”
Hinintay ko munang magsibalik ang atensiyon ng mga nasa paligid namin sa kani-kaniyang ginagawa bago ako mahinang nagsalita. “Because I don’t have anything to do with their break-up. Nakipag-fling iyong girl and Niko found out a month ago. Nag-break sila and then--” how the fuck will I say it?
“And then?”
“And then last week nakipagbalikan iyong girl and now Niko will clear things out between them.”
“So sila pa rin as of this time?” tanong niya na pakiramdamam ko’y biglang nalaglag ang aking sikmura. Hindi ako umimik hanggang muli siyang magsalita. “So kung may girlfriend siya at straight looking and straight acting siya as he deceived me into having crush on him, then it means he’s not out?”
Bull’s eye!
Mukhang kailangan ko na ng maraming braces para sa sarili ko at gi-giyerahin na ako ni Emma. “I don’t know,” pag-iwas ko. “Maybe.”
Sumeryoso ang mukha niya. “Dom, kaibigan mo ako. Kung hindi ka lang nag-come out sa akin noong third year high school pa lang tayo malamang pinikot na kita. I wanted you for myself at dahil hindi pwede at may lawit din ang gusto mo at hindi ako pwedeng magkaroon noon-,” sabi niya na hindi ko napigilang tumawa. Truth is sa kaniya lang ako nag-out aside from Cedric of course. “-that doesn’t mean I will stop caring for you. I treated you as my brother and you know I don’t want to see you again falling apart the way you did when Cedric left you. Nang itanggi ka niya at ang relasyon ninyo sa kaniyang mga kaibigan, sa kaniyang girlfriend at higit sa lahat sa kaniyang pamilya. Fuck! He even pretended that your nothing but someone he didn’t even know.”
Fuck! Truth hurts. It’s more than a year but hearing it again somehow scraping open past wounds.
“I know it might be too early to judge Niko at this time at wala pa namang ‘kayo’ but at least asks him about this before having a relationship with him. It’s best to clear things out. You made a promise to me, remember?”
Tumango ako. “Yeah, I know. To never have anything to do with closeted guys like Cedric again. Never again.”
“I will be hating that asshole my entire life,” sabi ni Emma with full sincerity in her voice. “It took you several months and me convincing you that what happened to him and his girlfriend is not your fault. He is a coward para isisi sa iyo ang pag-suicide ng babaeng iyon.”
Nakaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan. “Stop it Emma. I’d rather we not talk about it.” Kahit matagal na iyon nakakasama pa rin ng loob. Parang kahapon lang nangyari.
Are you out of your mind? Nobody should know what we have or else it will be over. Mga salita ni Cedric sa akin whenever I asked him for us to go out together.
You know Dom, this is not easy for me. I like you but this is all I can give. It’s either you take it and be contented or we can call it quits.
And because I was blindly in love with him, so nagtanga-tangahan ako. For the whole three months of our secret relationship tiniis ko ang selos at sakit sa dibdib na makita siyang kasa-ksama ang girlfriend niya and would not even look me in the eye tuwing makakasalubong ko sila. At sa gabi daig ko pa ang magnanakaw na pumupuslit sa kwarto niya na sa bintana ako dumadaan para ibigay ang pangangailangan ng kaniyang katawan.
I became an invisible whore. Cedric made me one and accepted it hoping that someday he will have the guts to tell the world about us.
But it never came dahil isang gabi biglang sumulpot ang girlfriend niya at nahuli niya kami sa akto. Nanahimik ang girlfriend niya at pag-uwi ng bahay nila saka naglaslas ng pulso.
Go away you freak! You made this to me. I’m straight. I’m not gay like you. Now my life is a mess. The girl I planned to spend the rest of my life is dead all because of you.
Galit na galit ang mukha ni Cedric habang nasa hallway ng ospital kinaumagahan. Kaalis lang ng doktor noon at sinabing dead on arrival ang girlfriend niya. Itinulak niya ako nang makita niyang padating ang kaniyang mga kabarkada at kasunod ang kaniyang mga magulang.
Sino siya Cedric? Tanong pa ng kaniyang ina na hindi nakalampas sa paningin ang ginawa niyang pagtulak sa akin na nagpa-outbalance sa akin at nagpabagsak sa sahig ng ospital.
At sa harap ng kaniyang mga kabarkada at sa kaniyang ina at ama malakas niyang sinabi, I don’t know him at all. He mistaken me for someone he knew.
At bago pa ako sunggaban ng tatay niya at kabarkada thinking I was assaulting him, tumayo ako at mabilis na lumabas ng ospital with my blood-spilled and broken heart as tears kept falling from my eyes.
Nanahimik din sa Emma at pansamantalang tumingin sa mga sagot namin sa assignment. After a while nang sa tingin niya kumalma na ako ng bahagya saka muling nagsalita. “I’m sorry Dom. I didn’t really mean to pry. I just care for you as my brother and friend that I can’t help it. Pwede bang ipangako mo man lang sa akin na mag-isip kang mabuti this time?”
Kung wala lang kami sa loob ng Library baka niyakap ko na si Emma. She was the sister I wanted but never have. And she was heaven sent to be my friend. Siya ang kinapitan ko during those darkest days of my life.
Tumango lang ako to give her assurance but deep inside wondering if I could do the same when I’m with Niko. “I think he is completely different from Cedric.”
“Is that what you wanted to believe?”
Maybe I do. “Yes, because he asked me this morning to go out lunch with him.” At least hindi siya natakot na makita siyang kasama niya ako in public. “Sumama ka kaya sa amin para ma-meet mo na rin siya in person.”
“It’s a good sign then,” sabi niyang tumango-tango. “I can go with you just to meet him but not to stay.”
“Okay,” I said half-smiling.
After fifteen minutes na nagbusy-busyhan kaming nakatingin sa mga sagot namin sa assignment, nag-vibrate ang cellphone ko. Nakaramdam ako ng tuwa at excitement ng mikta kong galing sa kay Niko ang message only to be replaced by disappointment as I open it.
Sorry Dom. I need to cancel our lunch. Something important just came out. Family matters. Talk to you later.
Itutuloy
No comments:
Post a Comment